Tuesday, July 7, 2009

Panimula

Sa mundong ito, mapalad and bawat isa sa ating namumuhay ng normal, nagagawa ang anumang ibigin, at nabubuhay ng naayon sa kagustuhan. Subalit hindi ba’t marami paring pagkukulang at tila hirap tayong hanapin ang ilang katanungan , sadyang mahiwaga ang takbo ng buhay sa mundong ibabaw.

Minsan kong hinanap ang aking sarili, saan nga ba ako lulugar? Bakit hindi parepareho ang antas ng buhay? Bakit may mayaman at mahirap? Bakit may matagumpay at may lagi namang sawi? Bakit may kagalakan at pagkatapos ay lumbay? Ano nga ba talaga ang malalim na kahulugan ng buhay? Saan nga ba ako pupunta ,saaan nga ba ako patutungo? Ako ba’y nasa tamang landas o hindi? Bakit nga ba kay hirap intindihin? hanggan kalian ako mangagapa sa dilim? Mayroon pa nga ba akong natitirang pag-asa? Hanggan kailan ako maghihintay ng sagot sa aking mga katanungan? Talagang sadyang ang buhay ay nakakalito, sinasabing Kabataan ang pag-asa ng bayan, subalit nasaan ka? Naliligaw karin ba? Paano na ang minimithng ng inang bayan ? nasaan na tayong mga kabataan na kanyng inaasahan?
Sa musmos na kaisipan, may ilan paring Kabataan handing maging gabay sa kapwa nila nangangailangan. Sa simula palamang, marami na kaming naisakatuparan, Maraming katanungang hina-hanap ang kasagutan. Subalit nababatid kong walang magbabago kung di ka kikilos, naisip kong bawat isa sa ati’y nilikhang may gampanin at responsinbilidad sa buhay. Sabi nga sa kanta “walang sinuman ang nabubuhay na para sarili lamang", bawat isa ay may pananagutan, kaya mga kapwa ko kabataang Estigmatino, atin ng simulan!

No comments:

Post a Comment