Disyembre 2, 1995, nagpasyang bumuo ng isang organisasyon ang mga kabataang taga-Carmona. Nais nilang bumuo ng isang organisasyon dahil sa hamon ng buhay.
Kaarawan noon ng ating Panginoon, ng mabuksanang kanilang mga damdamin. Sa kanilang paglalakbay marami silang napansin sa kanilang kapaligiran.marami silang katanungan na di nila kayang sagutin. Nagtatanong ang bawat isa kung ano nga ba ang kahihinatnan ng buhay kung ang bawat isa ay di marunong makialam sa kanilang kapwa.Takot makisangkot sa problemang bayan at sa kapwa tao nila. Kung takot at pag wawalang bahala ang paiiralin ng bawat isa ang lahat ay walang patutunguhan. Lalo’t higit kung wala ang pag papahalaga para sa iba.
Isa ring dahilan kung bakit nais magtatag ng isang samahang ng kabataang taga Carmona, ay ang hamon ni Bro. Nemrad Dugan, kung saan ninais ng mga tao ang magtatag ng isang samahan.
“Kailan at sino ang maaring gumising sa mga tigang na damdamin ng bawat kabataan?Sino ang kikilos upang ang bawat isa ay huwag matakot sa pakikisangkot sa kanilang kapwa..? At sino ang maaring mag tuwid ng landas ng mga taong naliligaw….? Sino ang magiging gabay nila? Kung walang kikilos, ang lahat ay mauuwi sa kapighatian atkasawian. Kailan man ay di mararamdaman ng bawat isa ang kasiyahan doon sa kalwahatian. Kung takot ang pinaiiral. Ang lahat ay mag lalaho ng parang bula…!” ang wika ng mga kabataang taga karmona.
Ang mga katanungang ito ang siyang nag bibigay daan upang ang mga kabataan ng Carmona ay mag pasyang bumuo ng samahang gaanu man ito kahirap. “Ang lahat ay magiging masaya at matagumpay kung ang bawat isa ay marunong magmahal at makisangkot sa mundong ginagalawan”, ang wika ng mga kabataan.
Ika-26 ng Disyembre noon, ng sila ay muling magpulong. Nagpulong ang mga kabataan sa pamumuno ni Edelisa Go kasama sina Benjie Alvarez, Andy Ereno, Sonia Mirabete, Mar Joy Guillermo, Eden Go at Ana Loyola. Naging paksa nila ang binabalak na pag tatag ng isang organisasyon o samahan. Ibinigay nila ang kanilang opinion kung paano ito maisasakatuparan at sino maaring tumulong sa kanila. Sila ay nagisip ng mabuti dahil ang pagtatatag ng isang samahan ay hindi napakadali .Mayroong mga hakbang na dapat gawin. Sila ay tumatahimik at taimtim na nanalangin sa Poong May kapal upang sila ay gabayan sa kanilang gagawin.
Makalipas ang ilang saglit, sila ay nagkaroon ng ideya. Isananguni nina Joy at Benj na maari silang humingi ng tulong sa mga Stigmatine Fathers and Brothers.
“Di ba’t sila ang nagbigay daan satin upang mas higit nating makilala si Kristo sa pamamagitan ng katesismo? Tinutulungan nila tayo kapag may problema tayong nararanasan, di ba?” ang wika ng dalawa. “Sila ang magiging kaagapay natin”.
Sa mungkahi ng dalawa, ang lahat ay nagkakaroon ng sigla. May gagawin na silang unang hakbang upang matupad ang kanilang minimithi.
Ika-27 ng dsyembre ng hapon, nag pasya silang pumunta sa St. Gaspar Semenarypara kausapin si Fr. Donato Lovito. Kinausap nila ito ng masinsinan kahit na ang kaba ay dumadatal.Sapagkat naisip nilang di sila papayagan o bibigyan ng kahit kaunting pansin lamang. Gayun na lamang ang kanilang tuwa ng ibigay ni Fr. Donato ang kanyang suporta at pagbabasbas.
Ika-30 ng Desyembre, nagkaroon ng unang pagpupulong tungkol sa nasabing samahang.Ito ay ginanap sa St. Gaspar Seminary. Ito ay pinamunuan ni Bro. Arthur Lopena kasama sina Bro. Raffy Lot, Bro. Islaw at Bro. Greg. (Stigmatine Brothers). Si Edeliza Go, Ang bawat kabataan na dumalo sa kanilang opinion . Ang bawat layuning magbibigkis sa samahang tinatag nila.
Sa araw ding iyon nagbigay pasya ang bawat isa kung anong maaring itawag sa grupo. Maraming pangalang ang isinangguni tulad ng MCYB, Subalit wala silang naibigan sa mga pangalang nabanggit. Si kuya Greg ay nagbigay mungkahi na Stigmatine Youth Movement na lang ang itawag sa grupo. Hiniling nila ang opinion ng bawat isa. Sila ay nagbotohan at marami ang sumang-ayon sa pangalang ibinigay ni kuya Greg. Sa araw na iyon nagkaroon ng katuparan ang pinapangarap ng mga kabataang taga- Carmona . Ang ang kanilang samahan ay tinawag na “Stigmatine Youth Movement”. Ang layunin nila ay “Gumawa/Kumilos sa pag papalaganap ng Ebanghelyo ng naaayon sa gawaing Estigmatino”. Isang nakakatuwang pangyayari na sadyang binasbasan ng Poon upang ang kanyang pagmamahal ay maibahagi ng mga kabataan sa kanilang kapwa.
Ika-31 ng desyembre , sila ay nakaroon ng bindesyon mula kay Fr. Donato. At sa araw na iyon nagsimula ang kanilang pag lalakbay. Mahirap ngunit ang lahat ay tila magiging madali sa pagkat kasama nila Bro. Jose Eleazar bilang kauna-unahang taga pagpayo nila.
Sa puso ng bawat isa ay nananahan ang pag asa at kagalakan at sa pagtahak nila sa landas ng pag lalakbay ay kasa-kasama nila si hesus. At sa pag daan ng mga araw sa kanilang paglalakbay ay binigyang inspirasyon sila at pagpapala ng banal na espiritu..
Ilang taon ang lumipas, Maraming pangyayari ang natapos, may ilang nawala may dumarating subalit patuloy pa ring naging buo ang loob ng mga kabataang Estigmatino. Maraming pagbabago ang nangyari, nariyan ang panahon ng pamumuno ni Bonifacia DeSalit na syang sumunod ina namuno kay Edeliza Go, at sa ilalim ng pamumuno ni Bonifacia De Salit, patuloy nyang ipinaglaban ang adhikain ng mga Kabataan Estigmatino ng hanapin at magampanan ang mga responsibilidad hindi lamang sa pansariling kapakanan kundi para sa ikauunlad ng iisang komunidad na kinabibilangan . June 2004, kasalukuyan namang nasa ilalim ng pamumuno ni Sonia Mirabete, sumunod na namuno kay bonifacia, ang pamamalakad sa SYM. At ng kalaunan si Sonia ay itinalagang Adviser ng SYM kasabay ng pagpapasyang ilipat sa kamay ng mga semenarista ng St. Gaspar Bertoni Seminary ang pamumuno ng SYM. Naging bagong pangulo naman si Jojie Mee Magayon sa mga Kabataang Estigmatino upang pangunahan at patuloy na hikayatin ang nakararami upang ipagpatuloy ang paglalakbay. Sa panahon ng pamumuno ni Jojie Mee , naging kaagapay niya ang mga semenaristang nagsilbi naming mga tagapayo na sina Kuya Mervin, Kuya Jack , Kuya Rene at Kuya Vincent. Sa ilalim ng pamamlakad ng mga semenaristang itinalaga upang gabayan ang kabataang Estigmatino, mas lalo nagyabong at lumago ang samahang SYM. At ilang taon ang lumipas sila’y sinundan naman nina Kuya Erick, Kuya Alfred, Kuya Emman, at Kuya Tonio, makalipas ang anim na buwan, silay muli namangsinundan nina Kuya Joel, Kuya Erick, Kuya Rommel, sa ilalim parin ng pamamalakad ni Jojie Mee. Taong 2008 muli namang pinalitan ang pamumuno sa SYM, naging bagong pangulo ng mga kuya si Kuya Rommel at kasama niya sina Kuya Urbano, Kuya Norman , Kuya Vincent, Kuya Arnold, Kuya Jonel tat Kuya Rey, kasabay ng muling paghahalal ng panibagong pangulo sa mga Kabataang Estigmatino. August 3, 2008 ng maitalagang bagong pangulo si Mary Joy Ramos at ibang kasapi nito, upang ipagpatuloy ang simulain at adhikain ng Kabataang Estigmatino mula pa noong itinatag. At sa Tulong ng Pagbabasbas ni Rev. Fr. Abel Maglines ay pormal na naumpa sa harap ng madla ang mag bagong kinatawan ng grupong SYM. Sa likod ng kanilang pamumuno, naging matagumpayang sama-sama nilang paglalakbay at patuloy na ipanagyayabongang kanilang mga layuning sa Tulong ng mga butihing kuya na nagsisilbing gabay at tanglaw sa patuloy na pagtahak sa buhay. Ika -7 ng Nobyembre , kinilalang bagong pangulo si Kuya Phil. Vincent at ang mga kasama nyang sina Kuya Harold, Kuya Jerome at Kuya Dennes. Nananatili ang SYM sa pamumuno ni Mary Joy Ramos at kasama niyang kumakatawan sa grupo, ang bawat isa’y buong pusong tinanggap ang responsibilidad at ipagpatuloy ang simulain at palaganapin ang mga gawaing nagmulat sa bawat isa upang iprating sa nakararami na bilang kabataan mayroon tayong kanya-kanyang responsibilidad. Responsibilidad nating gumawa at kumilos ng naaayon sa Gawaing Estigmatino sa Tulong at gabay ng Poong Maykapal.